100 bahay natupok sa Cebu City

Nilamon ng apoy ang nasa 100 bahay sa Cebu City.
ABS-CBN News

CEBU CITY – Nasunog ang nasa 100 bahay sa Barangay Kamputhaw sa
bayan na ito, Miyerkoles. 

Pasado alas-10 ng umaga sumiklab ang sunog at mabilis na
kumalat sa mga tahanang gawa sa light materials. 

Kabilang sa mga natupok ang isang Muslim compound, ayon sa
kapitan ng barangay na si Jessica Cadunggog. 

Makikita sa larawang ito ang 2 sa mga bumberong rumesponde
sa sunog sa Cebu City. ABS-CBN News

Aabot sa P1 milyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog,
dagdag ng Bureau of Fire Protection. 

Nanawagan naman ng tulong ang pamunuan ng barangay dahil naubos
na anila ang kanilang calamity fund matapos ang isa pang sunog
sa lugar nitong Agosto. 

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.