2 call center agent timbog sa droga sa QC

MAYNILA—Arestado ang 2 call center agent sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City Martes ng gabi.

Sa Barangay Socorro, nakuhanan ang isang suspek ng 8 pakete ng hinihinalang marijuana.

Samantala, nakumpiska naman sa isa pang suspek ang 3 sachet ng umano’y shabu sa Barangay Batasan Hills.

Parehong itinanggi ng 2 lalaki na sangkot sila sa pagtutulak. Mahaharap sila sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.