6 na umano’y miyembro ng loan shark gang timbog, target mga casino player

Anim na hinihinalang kidnapper na umano’y target ang mga casino player ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa Pasay City Martes. 

Sa press conference sa Camp Crame nitong Miyerkoles ipinresenta ang mga suspek, kabilang ang retired navy officer na si Francis Reyes at seafarer na si Melvin Culala, na tumatayo umanong financier ng grupo. 

Nahuli rin ang mga umano’y spotter ng grupo na sina Nathaniel Aragon, Christopher Bagro, Rico Castillo, at Reynaldo Parolina.

Ani Police Col. Villaflor Bannawagan, hepe ng PNP Anti-Kidnapping Group sa Luzon, modus umano ng grupo na magpautang sa kanilang mga target kapalit ng collateral at mataas na interes. 

Dagdag ng PNP, kapag hindi nakapagbayad ang napautang na casino player ay dudukutin, ipatutubos at tatakutin. 

Ito ay kahalintulad na modus ng mga Chinese loan shark gangs na target naman ang mga Tsino na dumarayo sa bansa para maglaro sa mga casino. 

Nahaharap sa kasong kidnapping ang anim na suspek. 

— Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.