7 lalaki timbog sa Tondo buy-bust

MAYNILA – Arestado ang 7 lalaki sa buy-bust operation sa Juan Luna St., Tondo, Maynila.

Narekober sa mga suspek ang 15 sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P54,000.

Ayon kay Police Capt. Val Valencia ng Manila Police District (MPD) Station 7, nakabili ang poseur buyer ng droga mula kay alyas Odin.

Nang magpositibo ang transaksiyon, hinuli rin ang ibang lalaki na nakabili rin umano ng droga kay Odin.

Napag-alaman ng mga pulis na mga construction worker ang parokyano ni Odin.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. – Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.