9 patay sa aksidente sa Davao City

Sa Dashcam video ng banyagang si Lap Ki Ku, makikitang sinakop ng truck ang kabilang lane at unang hinagip ang kaniyang sasakyan bago salpukin ang mga sasakyang sa kaniyang likuran. Video mula kay Lap Ki Ku

DAVAO CITY – Siyam katao ang nasawi nang banggain ng isang van ang higit sa 10 sasakyan sa Matina Pangi Road, Martes ng umaga.

Sa impormasyon ng pulisya, nawalan ng preno ang van na may kargang sako-sakong bigas.

Unang tinamaan ang kotse na minamaneho ng dayuhang si Lap Ki Ku at sunod-sunod na inararo ang kasalubong na sasakyan tulad ng motorsiklo, tricycle, padyak, SUV, multicab at kotse.

Ilan sa mga namatay ay natabunan din ng bigas.

Dalawa naman ang dinala sa ospital kung saan ang isa ay nasa kritikal ang kalagayan.

Sa kuha sa dashcam video ng unang sasakyang binangga, sinakop ng truck ang kabilang lane at sinalpok ang kasalubong nitong mga behikulo.

Natumba pa ang truck habang inaararo ang mga sasakyan.

Nasa kustodiya na sa Talomo Police Station ang 26-anyos na driver ng truck.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.