Batang Pinoy silver medalist nabulag ang kaliwang mata matapos tamaan sa laban

BAGUIO CITY – Nabulag ang kaliwang mata ng isang 2018 Batang
Pinoy silver medalist sa kasagsagan ng karate competition sa
Baguio City, kung saan tinamaan umano ito sa kaniyang huling
laban.

Sa Baguio General Hospital na iginawad ang silver medal kay
Anbert Waminal, isang Batang Pinoy atleta mula sa Negros
Oriental.

Napuruhan umano ang kaliwang mata ng bata sa kaniyang huling
laban.

“Nasalo ko kasi ‘yung kamao ng kalaban ko at masyado itong
malakas,” sabi ni Waminal.

Ayon sa doktor na sumuri kay Waminal, Grade 2 nang una nang
matamaan ng basag na bote ang kaniyang mata.

“So medyo lumaki na ‘yung mata kaya nag-render na medyo weak na
‘yung walls ng kaniyang globe. ‘Yun ang dahilan kaya nung
natamaan noong karate competition, nag-rupture na ‘yung
kaniyang mata,” paliwanag ni Dr. Lorenzo Fernandez.

Sa kabila nito, nananatiling masayahin si Waminal at pursigido
pa ring sumabak sa mga kompetisyon

“Itutuloy ko pa rin kahit anong nangyari sa akin kasi balang
araw gusto kong [maging] isang magaling na karate player sa
bansa,” sabi ng atleta.

Sa larong karate sa Batang Pinoy, walang gear sa ulo ang mga
manlalaro.

Naniniwala naman maging ang coach ni Waminal na aksidente ang
nangyari.

“Aksidente talaga, kasi nagfa-fight sila, then almost nagsabay
‘yung pagpa-punch nila then ‘yun tinamaan ‘yung mata niya,”
sabi ni Franklin Santander. 

Ayon naman kay Celia Kiram, isa sa mga commissioner ng
Philippine Sports Commission, magbibigay sila ng P50,000 para
sa pagpapagamot ni Waminal.

Sinagot naman ng pamahalaang lungsod ng Baguio ang hospital
bills niya sa lungsod.

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.