‘Bawal sad’: Huling lamay para kay Chokoleit nagmistulang comedy bar

Nagmistulang comedy bar ang huling gabi ng lamay para sa yumaong komedyanteng si Jonathan “Chokoleit” Garcia bago dalhin ang kaniyang labi sa Davao kung saan siya ililibing.

Ito umano ang nais ng komedyante dahil na rin sa noong nabubuhay pa siya, ayaw na ayaw nito ng seryoso at malungkot ang mga kaibigan.

Dumalo sa tribute ang maraming kaibigan ni Chokoleit, kabilang ang mga katrabaho sa telebisyon at sa comedy bar kung saan nagsimula ang karera nito. 

“Sa totoong buhay po wala kaming maalalang magandang sabihin kay Chokoleit. Ang hirap magpanggap na porket patay siya eh [maganda ang sasabihin namain],” pagbibiro ni Vice Ganda.

Kuwento nila, tinaguriang “MNR” o “mahal na reyna” ng entablado si Chokoleit dahil sa talento nito sa pagpapatawa.

Kabilang sa mga nagbigay ng tribute kay Chokoleit sina Pokwang, Vice Ganda, K Brosas, Pooh, Jolina Magdangal, Nikki Valdez, Karla Estrada, na nagkaisa sa pagsasabing isa si Chokoleit sa maituturing na pioneer sa comedy bar shows.

Bukod sa mga patawa, nagkaroon din ng mga kantahan sa lamay. 

Anila, ito ang nais na maging eksena ni Chokoleit kung nasaan man daw ang kaibigan. 

—Ulat ni Marc Logan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.