Biker galos lang ang tinamo matapos mabundol, tumilapon

Nakaligtas ang isang delivery boy at galos lamang ang natamo matapos ang pagkakasalpok sa kaniya ng isang kotse habang siya ay nagbibisikleta sa Binondo, Maynila.

Sa kuha ng CCTV noong Marso 8, makikitang nagbibisikleta galing Tomas Pinpin St. sa Binondo ang 25 anyos na delivery boy. 

Matapos ang ilang saglit ay nakasalubong ng bisikleta ang puting kotse, na tumama sa likurang bahagi ng bisikleta. Sa lakas ng banggaan ay tumilapon ang delivery boy. 

Gumapang sandali ang lalaking tumilapon pero agad din itong nakatayo. 

Bahagya ring natulala ang lalaki, na galos lang ang natamo sa kaniyang katawan kasunod ng insidente.

Pinatawad ng delivery boy ang bumundol sa kaniya at nakipag-areglo na rin ito sa may-ari ng sasakyan. 

— Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.