Blogger nag-sorry dahil sa ‘bomb scare’ post; PNP di kumbinsido


Humingi na ng paumanhin ang blogger na si Drew Olivar sa
kaniyang bomb scare post sa social media.

Sa isinagawang press conference sa Camp Bagong Diwa sa Taguig
nitong Sabado, nag-sorry si Olivar sa mga naalarma sa kaniyang
post.

Giit niya, wala siyang intensiyon na takutin ang publiko at
nais lang daw niyang pag-ingatin ang mga nakikiisa sa kilos
protesta sa pag-alala ng 46th anniversary ng martial law
declaration.

“September 8 pa po marami na akong nababasa na kagaya ng post
ko, kaya natakot din ako sa mga magra-rally,” paliwanag ng
blogger.

Hindi naman kumbinsido dito si National Capital Region Police
Office chief Director Guillermo Eleazar.

Ayon kay Eleazar, posibleng sampahan si Olivar ng reklamong
paglabag sa Presidential Decree 1727 o ang Anti-Bomb Joke Law,
na may parusang pagkakakulong nang hanggang limang taon.

“Hindi masyadong binibigyan ng weight ‘yun. Sa atin, ang
elements…Kung may makikita tayong violation, proper
documentation and referral of case sa yan DOJ,” ayon kay
Eleazar. 

Nakatakdang ilabas ng NCRPO ang resulta ng kanilang
imbestigasyon sa mga susunod na araw.

—Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.