Bouquet na gawa sa gulay, ‘pera,’ maaring pangregalo ngayong Valentine’s Day

Mga bouquet na gawa sa gulay at laruang pera. Micaella Ilao, ABS-CBN News

BAGUIO CITY — Isang florist sa Baguio City ang gumawa ng mga kakaibang bouquet na pangregalo ngayong Valentine’s Day.

Kung sawa na sa chocolate bouquet o sa bulaklak, maaring magregalo ng bouquet na gawa sa pera o sa gulay.

Laruang pera ang gamit ni Antonio Paulite para sa kaniyang money bouquet na may halagang P1,500.

Mga gulay naman tulad ng sibuyas, cauliflower, talbos ng sayote at bulaklak ng kalabasa at katuray ang gamit niya sa kaniyang vegetable bouquet na may halagang P700.

Bukod sa maaring i-display, maari ring makain ang vegetable bouquet na gawa ni Paulite. – ulat ni Micaella Ilao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.