Dahil sa flash drive, lalaki ‘nabaril’ ang anak sa N. Cotabato

Sugatan ang isang lalaki nang aksidente umanong barilin ng
kaniyang ama sa Midsayap, North Cotobato.

Nakakulong ngayon ang 68-anyos na si Nisoporo Subang, na
nabaril ang anak sa kamay dahil sa alitan sa flash drive.

Ayon kay Midsayap police chief Police Superintendent Joan
Maganto, nagbunga umano ang pagtatalo ng mag-ama dahil sa flash
drive.

“Noong hindi sila nagkaintindihan, tinutukan. Then nung tinabig
ng anak, pumutok po ‘yung baril which resulted in doon sa
pagtama sa kamay ng anak,” ani Maganto.

Kuwento ni Subang, kabibili niya pa lang umano ng USB at
pinaglalagyan ng mga kanta para mayroon siyang mapakinggan,
pero inalis umano ng anak ang laman kaya sila nagtalo.

Ginagamot sa ospital ang biktima. Depensa ng suspek, aksidente
lang umano ang pagkakabaril sa anak.

Hindi nakasuhan ng frustrated parricide si Subang, pero
mahaharap sa kasong illegal possession of firearms.

— Ulat ni Francis Faulve, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.