Dapat bang bigyan ng second chance ang ‘abusadong’ partner?

MAYNILA — May iba’t ibang uri ng pang-aabuso na itinuturing na “red flag” sa isang relasyon – pisikal man ito o emosyonal.

Pero kung mabiktima nito, dapat bang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang partner?

Ayon sa motivational speaker na si Marianne Mencias, mas mainam nang lumayo sa partner sa pagkakataong makakita ng red flags.

[PLS EMBED RED FLAG: https://news.abs-cbn.com/life/08/27/19/alamin-ano-ang-red-flags-ng-toxic-na-karelasyon]

Mas mahihirapan na kasing makaalis sa mapang-abusong relasyon kapag hindi agad nakita ang mga red flag, lalo na kung mahina ang kumpiyansa sa sarili.

“Kapag mga addictions o kaya abuse, any kind of abuse, you need to have a distance from the person kasi kailangan mong mahalin ‘yung sarili mo in a healthy way,” ani Mencias sa programang “Sakto” ng DZMM.

“Kasi kung nakikita niyang hindi mo pinahahalagahan ang sarili mo, puwede niyang ulitin,” dagdag niya.

Babala pa ni Mencias, kung hindi tuluyang maiwanan ang mapang-abusong partner ay mas lalong lalalim ang pinsala nito sa emosyon ng biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.