Dating college student dropout, umasenso dahil sa kanyang lechon business













ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2018 02:20
AM

Hangad ng marami ang makapagtapos ng pag-aaral para magkaroon
ng maginhawang buhay.

Pero para kay Ken Pascual, iba ang naging takbo ng kanyang
kapalaran.

Sa murang edad, nakahiligan na ni Kel ang pagluluto. Nang
magkolehiyo, culinary course ang kanyang kinuha.
Pinagsumikapan ng kanyang magulang na maitawid ang kanyang
pag-aaral ngunit nagkaproblema sila nang mawalan ng trabaho
ang kanyang ama. Dahil dito, napilitang tumigil sa pag-aaral
si Kel.

“Mahirap po kasi nakikita ko rin na sobrang guilty sila, na
hindi nila ma-provide ‘yung basic na pangangailangan ko as a
college student.” pagbabalik-tanaw ni Kel kay Karen Davila
para sa My Puhunan.

Iba’t ibang trabaho ang pinasok ni Kel para makatulong sa
pamilya. Minsan na siyang naging call center at insurance
agent. Dahil first love niya ang pagluluto, naisipan niyang
magbenta ng mga lutong bahay na ulam.

Gamit ang P4,000.00 na puhunan, katuwang ang kanyang ina,
nagluto si Kel ng iba’t ibang lutong bahay na ulam sa isang
weekend bazaar. Sa kanyang pagtitinda, napansin niya na mas
mabenta ang lechon kumpara sa iba niyang ulam kung kaya’t
nagdesisyon siyang dito mag-focus.

Mula sa pagba-bazaar, makalipas lamang ang ilang taon, lumago
ang negosyo ni Kel. Ang kanyang ‘Manilachon’ ay mayroon nang
tatlong branches sa Metro Manila. Highlight ng kanyang lechon
business ang special porchetta.

Sa kabila ng pinagdaanan ni Kel, pinatunayan niyang anumang
pagsubok ang dumaan, kakayanin basta’t determinado.

“Hanapin mo kung ano ‘yung gusto mong gawin, husayan mo,
Magtiyaga ka.”


Sundan ang My Puhunan online: 
Microsite: news.abs-cbn.com/MyPuhunan
Facebook & Twitter: @MyPuhunan
Instagram: @mypuhunantv

Panoorin ang My Puhunan online: (Please make the links
clickable.)
www.IWANTV.com.ph (within PH)
www.TFC.tv (outside PH)
www.youtube.com/abscbnnews (episode highlights)

  • /entertainment/12/05/18/nagparetoke-nilaklak-ang-gluta-what-kathryn-thinks-of-the-hate
  • /entertainment/12/05/18/are-jodi-sta-maria-and-jolo-revilla-back-together
  • /video/business/12/05/18/mga-mamimili-dagsa-sa-divisoria-para-mag-christmas-shopping
  • /news/12/05/18/sapul-sa-cctv-lalaki-huling-nagnanakaw-ng-mga-panty
  • /video/news/12/05/18/duterte-pabor-sa-medical-marijuana-ayon-sa-palasyo

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.