Exposed concrete beam, sanhi muli ng pagkamatay sa Ilocos Norte

PASUQUIN, Ilocos Norte – Patay ang dalawang lalaki matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa concrete beam sa gilid ng isang tulay sa bayang ito Huwebes.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mark Villa at Gerald Daquigan

Galing umano sa isang inuman ang mga nasawi at magpapa-gasolina nang mangyari ang aksidente.

Sa lakas ng pagsalpok, malubhang nasugatan ang ulo at katawan ng mga biktima.

Itinakbo sila sa ospital pero idineklara silang dead on arrival.

Hiling naman ng pamilya na matanggal o malagyan ng warning device ang mga concrete beam na ilang taon na raw nakatengga sa nasabing tulay.

Marami na rin umanong naaksidente rito.

Ipatatawag ng pulisya ang contractor ng tulay para makapaglagay sila ng road warning device, at kung maaari ay makatulong sila sa mga pamilya ng mga biktima.

Pinag-aaralan na ng pulisya kung may pananagutan ang nasabing contractor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.