Gasolina may higit P1 taas-presyo simula Martes

Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Setyembre 17, ayon sa mga kompanya ng langis.

Magpapatupad ang Shell, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Seaoil, at Caltex ng P1.35 taas-presyo sa kada litro ng gasolina at P0.85 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Parehong presyo rin ang idaragdag ng Cleanfuel sa kada litro ng kanilang gasolina at diesel simula Miyerkoles, Seytembre 18.

Tataasan naman ng Shell, Seaoil, at Caltex ng P1 ang kada litro ng kanilang kerosene.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.