Gazini Ganados, nagmodelo sa painting session para sa mga lolo’t lola

Nagmodelo nitong weekend si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados para sa isang live portrait painting session na nagsilbing fundraiser. 

Idinaos ito sa pagdiriwang ng Grandparent’s Day. 

Suot ang mala-engkantadang white gown na gawa ni Cary Santiago, todo sa pag-pose si Ganados, na tinaguriang “Diyosa” at “Goddess of Beauty” ng kaniyang fans. 

“Sitting pretty (ako noon), at least nakaupo naman ako,” biro ni Ganados. 

Isa sa mga lumahok ang beteranong pintor na si Jonahmar Salvoza, na nahumaling sa ganda ni Ganados. 

“Taga-ibang dimension beauty niya. Kakaiba eh, misteryosa,” ani Salvoza.

Kinilala din ni Ganados ang kaniyang lolo’t lola na pundasyon daw ng kaniyang karakter. 

Ipapa-auction ang mga mahigit 10 portrait ni Ganados para matulungan ang mga lolo’t lola sa Luwalhati ng Maynila Home For the Aged sa Marikina. 

“There are 350 senior citizens there. Others [are] capable, and others are bedridden. I promised that I will be there often,” aniya. 

Nagpasalamat si Ganados dahil makakatulong ito sa kaniyang adbokasiya na pangalagaan ang mga matatanda. 

Bahagi din ito ng kaniyang paghahanda sa Miss Universe Pageant sa Enero 2020. 

— Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.