Head nurse ng ospital sa Calamba patay sa pananambang

Napatay ngayong Linggo ang head nurse ng isang ospital sa Calamba City, Laguna matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Kinilala ang biktima bilang si Arlene Saludo, head nurse ng Calamba Doctors Hospital.

Sakay ang biktima ng minamanehong sports utility vehicle at kababa lang sa bunsong anak na lalaki nang pagbabarilin siya ng mga salaring sakay ng motorsiklo, ayon sa paunang imbestigasyon.

Dead on arrival sa ospital ang biktima matapos magtamo ng mga tama ng bala sa leeg.

Nangyari ang pananambang sa tapat ng San Jose Hospital and Medical Center, halos 30 metro lamang ang layo mula sa Camp Vicente Lim, ang tanggapan ng Calabarzon police.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.