Heaven, may pakiusap para sa tambalan nila ni Mccoy

MANILA — Nakiusap ang dating “Pinoy Big Brother” housemate na
si Heaven Peralejo na bigyan ng pagkakataon ang bagong tambalan
nila ni Mccoy de Leon.

Matapos na magkasama sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya,”
bibida sa bagong pelikulang “The Mirror” sina Heaven at Mccoy.

“Sabi ko nga po, ‘yun naman ang trabaho na pinasukan ko. Alam
ko rin po na hindi lahat ng tao ay magugustuhan. Hindi naman
lahat ng tao ay accepted na kami ang magka-partner o sino ang
ka-partner ko,” bungad ni Heaven.

“Sa akin lang ay bigyan lang nila ng chance na makita kung ano
ang maibibigay namin sa movie na ito,” aniya.

Dagdag naman ni Mccoy: “Sa akin lang po sana ay maging positibo
lang sa lahat ng bagay, sa lahat ng nangyayari, sa blessings.
Okay na po ‘yung mayroon kaysa wala. Ako nakatrabaho ko si
Heaven, magaling din po siyang aktres. Kaya sa akin panibagong
atake, panibagong proyekto na maipapakita namin sa tao.”

Nang matanong si Mccoy kung hindi pa tapos ang tambalan nila ni
Elisse, sagot ng aktor: “Masasabi ko po siguro, mayroon pa po
kaming movie. ‘Yun po siguro ang sukli namin sa lahat ng
Mclisse [fans].”

Maliban kina Heaven at Mccoy, parte rin ng “The Mirror” ang
aktor na si Yves Flores.

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.