HS broadcasting team na nag-‘viral’ balak pumasok sa midya?

Nagpasalamat ang isa sa miyembro ng high school radio
broadcasting team sa Borongan City na nag-viral. 

Ito ay matapos umani ng milyon-milyong likes and shares sa
Facebook ang broadcast nilang “Radyo Express Balita”, na
kinasasapian ng Eastern Samar National Comprehensive High
School (ESNCHS) Radio Broadcasting Team. 

Nagpasalamat ang senior high school student na si RJ Alconaba
sa mga tumangkilik sa kanilang broadcast, at hangad niyang
magsilbing-inspirasyon pa sa mga campus journalist na lumalahok
sa mga patimpalak. 

“Salamat kasi mas lalo kaming nainspire ‘yung pagsanay, at mas
maka-inspire kami nang marami,” aniya sa radyo DZMM nitong
Miyerkoles. 

Ang video ay kinuha habang nag-eensayo ang koponan para sa
Regional Secondary Schools Press Conference (RSSPC) noong
Disyembre 2018. 

Ani Alconaba, binuo ang kanilang grupo ng iba’t ibang high
school students, na pinipili ng eskuwelahan sa bisa ng mga
paligsahan sa kanilang eskuwelahan. 

Ayon kay Alconaba, na isang Accountancy and Business Management
senior high school student, pinayuhan silang kumuha ng masteral
degree ng ilang netizens kung hindi man pasukin ang industriya
ng midya. 

Dagdag niya na sa ngayon ay hindi pa nila tukoy kung sasabak
sila sa larangan ng pamamahayag. 

Nagsilbing-inspirasyon para sa kanilang hanay ang mga istasyon
tulad ng Radyo DZMM.

Hindi man daw sila nanalo sa paligsahan ay ikinatuwa ni
Alconaba ang pag-viral ng kanilang pag-ensayo. ​

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.