Jane Oineza, naka-move on na sa huling breakup

MANILA — Naka-move on na sa kanyang pinakahuling breakup ang aktres na si Jane Oineza.

Sa “Magandang Buhay” nitong Martes, naging bukas na si Jane sa naging hiwalayan nila ni dating “Pinoy Big Brother” housemate Kyle Secades.

“Parang ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Mas naka-focus na ako ngayon sa sarili ko, sa happiness, nothing’s gonna stop me, parang ganun ang pakiramdam ko ngayon,” ani Jane.

Nang matanong kung ano nga ba ang dahilan ng hiwalayan nila ni Kyle, sagot ng aktres: “Matagal na rin naman, halos one year na rin. So ayaw ko na rin masyadong balikan bilang tapos na, naka-move on na tayong lahat. (Pero ‘yun nga) sa sarili ko nga, desisyon ko rin, kasi nga gusto kong mag-focus sa self ko, at priority ko rin ang trabaho, ang sarili ko at ang pamilya ko.”

Sa ngayon, masaya si Jane sa kanyang karera at bilang single.

Nang matanong naman ang mga aral na nakuha niya tungkol sa pag-ibig, sagot ni Jane: “Siguro sa susunod na relationship ko, natutunan ko na dapat give and take, ‘yung kung paano mo siya nakilala at kung paano mo siya minahal, dapat hindi mo siya i-try na baguhin. Siguro dapat mas more on i-improve niyo yung isa’t isa at mag-grow kayo together. At kung ano ang kailangan ng isa’t isa together ay suportahan niyo rin.”

Sa ngayon ay bida si Jane sa pelikulang “Finding You” kung saan kasama niya sina Jerome Ponce at Barbie Imperial.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.