JK Labajo, kinasuhan ng cyber libel ng ina ni Darren Espanto

MANILA — Kinumpirma ni Atty. Lorna Kapunan na nagsampa na ng kaso noong Marso ang magulang ni Darren Espanto laban kay JK Labajo sa nauna nang napabalitang sigalot ng dalawa sa social media.

Cyber libel ang sinasabing kasong isinampa ng ina ni Darren laban kay JK.

Ayon kay Atty. Kapunan, sa tingin niya ay malinaw na galing kay JK ang post noong October 28 na naninira sa kasarian ni Darren.

Noong una ay hindi dumalo sa dalawang pagdinig si JK, pero kailan lang ay napag-alaman ng kampo ni Darren na pinabuksan ni JK ang kaso para sa second page.

Nakatakda sanang magharap ang dalawang kampo sa pagdinig noong nakaraang April 12, pero wala pang update tungkol dito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.