Kasikatan, hindi naramdamdaman ni Angel Locsin

MAYNILA — Marami nang napatunayan si Angel Locsin sa mga
proyektong kanyang nagawa, sa box office man o sa husay sa
pag-arte.

Pero marami ang nagtatanong kung bakit walang titulo na
idinidikit sa kanyang pangalan gaya ng mga ibang aktres.

“‘Yung mga ‘queen,’ ‘yung mga titles, wala akong title hanggang
ngayon. Parang itong plug… naiilang ako sa ‘She is back’
tapos Angel Locsin. Parang one week yata bago ko siya
nai-repost… feeling ko kasi hindi ko deserve,” paliwanag ni
Angel.

Kuwento pa ng aktres, inspirasyon niya sa kanyang
pagbabalik-teleserye ang mga taong nagmamahal at naniniwala pa
rin sa kanyang kakayanan.

“Humugot ako ng lakas sa bawat tao na nagpakita sa akin ng
malasakit. Kahit ayaw mo na, na hindi ka naniniwala sa sarili
mo, pero may mga tao na naniniwala na kaya mo, na nandyan
nakasuporta lang sa iyo, talagang mabubuhayan ka ng loob eh,”
sabi pa ng aktres.

At sa kanyang pagbabalik, star-studded din ang kanyang
makakasama sa “The General’s Daughter” na ayon kay Angel ay
hindi niya inakala na makakasama niya sa kanyang proyekto.

“‘Yung mga iniidolo ko na artista noong nagsisimula pa lang ako
noong hindi pa ako artista, hindi ko naman akalain na
sabay-sabay sa isang show pagsama-samahin at makakatrabaho ko
sila, makikita ko sila, makakasama ko sila sa set everyday. Iba
yung shock!” pahayag pa ni Angel.

Magsisimula ang “The General’s Daughter” simula Enero 21 sa
ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.