‘Kristo 2019,’ tampok ang modernong pagtatanghal ng senakulo

Bagong bihis na senakulo ang itinanghal sa plaza ng San Juan City nitong weekend.

Modernong mga salita at paraan ng presentasyon ng eksena ang ginamit para madaling maintindihan ng present generation.

Gumanap bilang Hesukristo sa unang pagkakataon ang modelo na si Kirst Viray. 

Ilang ulit na inalok si Kirst sa senakulo at sinubukan na niya ngayong taon.

“Dalawang beses nang may nag-aalok sa akin, so naisip ko parang blessing siya sa akin so tinanggap ko talaga siya,” aniya.

Para sa produksyon ng “Kristo 2019,” patuloy ang kuwento at aral ng Panginoong Hesus hanggang sa kasalukuyan.

“Para sa amin, walang panahon ‘yung buhay ni Kristo. Kaya ‘yon nga, sinasabi namin araw-araw hanggang sa kinabukasan, patuloy pa rin ang kuwento ni Kristo,” ani Joshua Manuel, gumaganap bilang Pilato.

May halong kaba pero at home na si Kirst sa kanyang papel bilang Hesukristo na nais niyang gawin muli taon-taon nang libre.

“Next time na kukunin mo ako o next year, ako na ‘yung kusang magpipresinta sa sarili ko na wala talagang bayad. Kumbaga magiging panata ko na lang siya every year. Iba ‘yung feeling kapag ginagawa mo siya, parang sobrang gaan ng pakiramdam,” aniya.

Planong magkaroon ng nationwide tour ang “Kristo 2019” para mas marami pang makapanood ng pagtatanghal. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.