Kuwento, kultura ng mga pangkat-etniko, ibinida sa Kadayawan street dance competition

DAVAO CITY — Nabuhayan ang mga kalsada ng Davao City sa
paggalaw ng mga mananayaw na kalahok sa “Indak-Indak sa
Kadalanan” street dancing competition.

May 13 grupo ang lumahok sa okasyong bahagi ng taunang
Kadayawan Festival ng lungsod.

Ibinida nila ang mga kuwento at kultura ng iba-ibang
pangkat-etniko mula Davao region at Maguindanao. 

Ilan sa mga tema ng mga pagtatanghal ay ang pagkakaisa ng mga
pangkat-etniko, kabuhayan at ang trahedyang iniwan ng bagyong
Pablo sa Mindanao noong 2012.

Umindak ang mga mananayaw sa mga kalsada ng lungsod hanggang sa
humantong sa Kadayawan Square para sa grand showdown.

Nagwagi sa Davao school-based category ng “Indak-Indak” ang
Davao City National High School, na nag-uwi ng P500,000.

Kalahating milyon din ang natanggap ng Mati Comprehensive
National High School na hinirang namang first place sa open
category.

Kada Agosto, ipinagdiriwang ng mga Dabawenyo ang Kadayawan
festival bilang pagpapasalamat ng masaganang
ani. — May ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN
News

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.