Lalaki, nagbalik ng gadgets na nakita sa dagat

Isang 20 anyos na automotive graduate ang hinangaan dahil sa kaniyang katapatan matapos isauli ng binata ang Pelican case na may lamang cellphone at gadgets na kaniyang nakita sa dagat sa probinsya ng Guimaras.

Hindi inasahan ng mag-amang Giff at Ethan Atienza na maibabalik pa ang Pelican case na may lamang cellphone at gadget na kanilang nawala habang nag-jejetski sa Cadiz City, Negros Occidental noong Abril 14.

Anim na araw na hindi mapakali ang 14 anyos na si Ethan nang mawala ang kaniyang gamit.

Hanggang sa naka-usap nila ang 20 anyos na si Nichol Tagudin na siyang nakakita ng kanilang gamit na noo’y palutang-lutang sa baybayin ng Guimaras.

“I felt really, really bad for me. It felt bad for us and I did not expect that some honest people would give it back. It is a miracle like God would answer my prayers,” ani Ethan.

Nitong lang Biyernes ay nagbiyahe ang mag-ama mula Bacolod City patungo sa bahay ni Tagudin sa Barangay Umilig sa bayan ng Buenavista para magpasalamat at makuha ang kanilang nawalang gamit.

“I hope he will be a good example sa mga kabataan na pagiging honest, parang na ano kasi na resist niya ang temptation,” dagdag pa ng ama ni Ethan na si Giff.

Tuwang-tuwang naman ang si Giff dahil sa katapatan ng automotive graduate.

Si Giff ang siyang nag-post ng kabaitan at katapan ng binata sa social media.

Ikinenwento din sa kanila ni Tagudin na namimingwit sila ng kaniyang ama sa gitna ng karagatan ng makita ang palutang-lutang na case.

Maliban sa pabuya ay nag-alok din siya ng trabaho para kay Tagudin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.