Lalaki, patay sa Antipolo buy-bust

RIZAL – Patay ang isang lalaki sa buy-bust operation sa
Barangay Inarawan, Antipolo City Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Gerardo Sandoval, alyas Tisoy, na
umano’y sangkot sa iba’t ibang krimen.

Ayon sa pulisya, si Sandoval umano ang pumalit na lider sa
isang drug group matapos mapatay ang pinuno nito noong Hunyo.

Batay sa paunang ulat ng Calabarzon police, nagkasa ng buy-bust
ang mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit alas-2 ng
madaling-araw.

Nakabili ang poseur buyer ng P5,000 halaga ng hinihinalang
shabu kay Sandoval.

Nagpaputok umano si Sandoval matapos makatunog na pulis ang
kaniyang katransaksiyon.

Gumanti ng putok ang pulis na nagresulta sa pagkamatay ng
suspek.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre .38 na baril at 5
sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa P30,000.

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.