Lalaki, sugatan matapos bugbugin ng nakabanggaang rider

MAYNILA – Sugatan ang isang lalaki matapos bugbugin nang
nakabanggaang motorcycle rider sa Santa Cruz, Maynila Huwebes
ng gabi.

Kuwento ng biktima, maghahatid sana siya ng kaibigan sakay ng
pulang kotse nang mangyari ang aksidente.

Patawid na sila mula Fugoso St. nang makasalpukan ang
motorsiklo na binabaybay ang Rizal Ave.

Sa lakas ng banggaan, tumilapon ang rider at muntik pang tamaan
ang isang bata sa sidewalk.

Tumayo ang rider pero may hawak na itong baril. Bubuksan pa
lang ng biktima ang kaniyang pinto pero agad siyang sinugod ng
rider.

Sinuntok siya ng rider habang nagmumura at pinagsisira ang
salamin at side mirror ng kotse.

“Right now medyo nahihilo pa ako gawa nung impact noong
sinuntok ako sa ulo,” aniya.

Hindi naawat ng rumespondeng taga-barangay ang nag-amok na
rider dahil may dalang baril.

“Kung walang baril, aawatin namin,” ani Dominador Regala ng
Barangay 335, Zone 33.

Itinayo ng rider ang kaniyang motorsiko at umalis sa lugar.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan nito sa tulong ng CCTV.

Ayon naman sa barangay, madalas ang aksidente sa lugar dahil
hindi gumagana ang mga traffic light.

Desidido namang maghain ng reklamo ang biktima. – ulat
ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.