Lalaking kawayan ang gamit na ‘artificial leg’ nananawagan ng tulong

ILOILO — Naantig ang mga puso ng netizens matapos makita ang retrato ng isang lalaking gumagamit ng kawayan bilang “artificial leg.”

Umani ng aabot sa 24,000 reactions ang retratong kuha ni Sheena Gallego, kung saan makikitang nakaupo sa jeep ang 24 anyos na si Darius Senillo na gumagamit ng leg support. 

Dahil dito, umaasa si Senilla na matutulungan siyang magkaroon ng artificial leg, magkaroon ng negosyo, at magkabahay sa lungsod para hindi na mahihirapan sa tuwing umuuwi ito sa kanilang bayan sa Lambunao, Iloilo. 

Ayon kay Senilla, nahihirapan siyang gamitin ang saklay kaya naisipan na gumawa artificial leg gamit ang kawayan.

“Nabudlayan na ako sa akon tungkod amo na naisipan ko maghimu kawayan para makalakat medyo normal bala haw. Indi man ako maano sa iban ginabully ako gusto ko paagi sa kawayan makatindog sang maayo,” ani Senillo. 

(Nahirapan na ako sa saklay kaya naisipan ko na gumawa ng kawayan para makalakad ng medyo normal. Para naman hindi ako ma-bully kaya gusto ko makatayo ng mabuti sa pamamagitan ng kawayan) 

Galing daw si Senillo sa kanilang bayan sa Lambunao at papunta sa kaniyang kapatid sa Iloilo City nang makunan ng retrato sa jeep. 

Tinutulungan siya ng kanyang nakatatandang kapatid na si Danny dahil mag-isa lang na namumuhay si Darius. 

Ani Danny, ipinanganak si Senilla na maliit ang mga kamay at paa. Paniwala nila, pinaglihi sa sardinas si Senilla kaya naging ganoon ang kaniyang kalagayan.

Ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Danny ang tumutulong sa kanya dahil mag-isa na lang si Darius na nakatira sa kanilang bahay sa bayan.

“Noong ipinagbubuntis pa lang siya kasi ako may malay na rin noon ipinaglihi siya sa sardinas ‘yung putol na ang ulo at buntot,” ani Danny. 

Nagpapasalamat naman si Darius sa kumuha ng kanyang letrato.

Sa mga nais magpaabot ng tulong, makipag-ugnayan lamang kay Senillo sa numerong 0950-5532131.— Ulat ni Jennifer Garcia Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.