Lalaking nagpaputok umano ng baril, arestado sa Ilocos Norte

Itinanggi
ng magsasakang inirereklamong nagpapaputok ng baril sa kanilang
lugar na sa kaniya ang baril at mga balang nakuha ng awtoridad
mula sa kaniyang bahay sa Marcos, Ilocos Norte, Marso 13, 2018.
Kim Lorenzo, ABS-CBN News

MARCOS, Ilocos Norte – Isang magsasaka ang inaresto ng
awtoridad dito dahil umano sa pag-iingat ng baril, Martes ng
umaga. 

Ayon sa imbestigasyon, nakuha sa tahanan ni alyas James ang
isang kalibre .38 na baril at anim na bala.

“Positive ‘yung operasyon natin. ‘Yung mga ebidensiya nakuha
natin sa mismong kuwarto sa kaniyang bahay,” ani Chief Insp.
Adriano Licudan.

Ayon kay Licudan, madalas na naire-report ang suspek dahil sa
pagpapaputok ng baril sa kanilang barangay.

“Maraming report tayo na nakukuha na nagpapaputok siya ng baril
at ‘yung mga nakuha nating mga kapsula ay puwedeng isa sa
pagpapatunay dito,” dagdag ni Licudan.

Depensa naman ni James na hindi sa kaniya ang mga ito.
 
“Hindi sa akin ‘yan. Mula bata ‘di pa ako nakakakita ng baril
at nakahawak. Planted ‘yan,” pahayag ni James.

Nahaharap siya ngayon sa kasong pag-iingat ng baril at mga
bala. 

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.