Lalaking tumakas sa gun ban checkpoint sa Davao, nahulihan ng baril

Nahuli si Jacinto Ayo Jr matapos makunan ng baril sa gun ban checkpoint sa Davao City. Photo courtesy: Buhangin Police Station

DAVAO CITY – Arestado ang isang lalaki matapos makunan ng baril sa checkpoint nitong Sabado ng umaga sa lungsod na ito.

Nakita ang baril sa ilalim ng upuan ng driver ng van ni Jacinto Ayo Jr. nang ito ay dumaan sa sa checkpoint ng Buhangin Police sa Barangay Communal.

Wala umanong maipakitang dokumento si Ayo sa dala niyang baril.

“Bigla siyang nag u-turn at bilis na nagpatakbo ng kanyang sasakyan. Hinabol siya ng mga pulis at doon na naabutan sa Illumina Estate Subdivision sa Barangay Communal,” ayon kay Chief Insp. Roy Mateo, station commander ng Buhangin Police.

Pero mariin itong itinanggi ni Ayo.

“Hindi pa ako nakaabot sa checkpoint. Lumiko ako dahil may nakalimutan ako sa bahay. Bigla akong hinabol ng 2 mobile at doon nila ako hinuli. Kinuha ang aking baril,” ayon sa inarestong suspetsado.

Isang .45 caliber pistol na may 10 ammunition at 2 spare magazines na may tig-7 bala ang narekober mula kay Ayo.

Gayunpaman, ang suspek ay haharap sa kasong paglabag sa Illegal Possession of Firearms at Election Gun ban.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.