Lalaking tumatawid, patay nang mabangga ng motorsiklo sa Bacolod

BACOLOD CITY – Patay ang isang lalaki matapos mabangga ng isang motorsiklo habang tumatawid sa highway sa bahagi ng Barangay Tangub, Bacolod City Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Wilfredo Castillo. Nagtamo ito ng malubhang sugat sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Sugatan naman ang 21 anyos na drayber ng motorsiklo at ang angkas nito.

Ayon sa anak ng biktima, papunta sa trabaho ang ama nang mangyari ang insidente. Magreretiro na dapat ito sa Abril.

Nagsampa na ng reklamo ang pamilya Castillo laban sa drayber.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.