Lea Salonga, tiwala sa kakayahan ni Catriona Gray sa Miss Universe

MAYNILA – Positibo ang Broadway Diva na si Lea Salonga na
masusungkit ni Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray ang
pang-apat na Miss Universe crown.


Ayon kay Salonga na minsan na din naging bahagi ng mga hurado
sa Miss Universe pageant noong 2011, maganda ang kanyang mga
naririnig na komento para sa present Miss Universe Philippines.

“I didn’t see her in Binibi (Binibining Pilipinas), and I’ve
not looked at her interviews but from people who have worked
with her, they all say that she has a chance kasi nga matalino
and magaling sumagot. It’s not just her physical beauty. May
utak daw talaga ‘yung bata. So if that’s the case, then you
have the chance,” bungad ng Broadway Diva sa launching ng
kanyang “Bahaghari” album.

Dagdag pa ng Tony Award winning singer-actress: “Kasi ano naman
‘yung ganda mo, if there’s nothing behind so I’m hoping with
Catriona there is something behind her.”

Kung tatanungin naman kung sa palagay ba niya ay nakakatulong
ang Pinoy judges sa Miss Universe pageant para sa mga Pinay
candidates, sagot niya: “It doesn’t really matter and if you
put a Filipino judge, that’s really objective and it really
won’t matter, because they’re gonna look at everybody.”
 
“The thing that I found, when you really look at all the women
up close iba ‘yung dating sa TV, iba ‘yung dating as live.
Mayroong mga kandidata na habang tumatagal ang gabi, paganda ng
paganda and ‘yung mga nananalo for me,” pahayag pa niya.

Sa darating na Disyembre 17, mapapanuod ang exclusive telecast
ng Miss Universe 2018 sa ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.