Lou at Andre ng ‘PBB’ may sweet moment sa Tagaytay

MANILA — Tila isang date para sa magkasintahan na sina Lou Yanong at Andre Brouillette ang naging pagtungo nila sa Tagaytay para sa “Magandang Buhay.”

Nitong Lunes, ibinahagi ng dalawa na na-enjoy nila ang kanilang bonding sa isang amusement park kasama rin ang kapwa nila “Pinoy Big Brother: Otso” Big 4 adult housemates na sina Yamyam Gucong at Fumiya Sankai.

Maliban sa kanilang sweet moments habang sakay ng ferris wheel, nakuha pa ng dalawa ang mag-duet. 

“Parang date na rin. We were just laughing, nakatingin lang kami sa view and just relaxing. Taking everything in and singing,” ani Lou.

“There’s a lot happening and just looking at the view is calming,” dagdag naman ni Andre.

Narito ang sweet moments nina Lou at Andre.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.