Martin del Rosario, bigay todo sa ‘Born Beautiful’

MAYNILA — Magkahalong saya at kaba ngayon ang nararamdaman ng aktor na si Martin del Rosario sa kanyang pagganap sa inaabangang pelikula na “Born Beautiful.”

 

Kuwento ng aktor sa panayam ng entertainment press, madugo ang naging proseso ng kanyang paghahanda para sa kanyang role na unang ginampanan ni Christian Bables sa 2016 Metro Manila Film Festival entry na “Die Beautiful.”

“Actually ang pinakamahirap dito ‘yung physical parts e. Ang una kong ginawa ay nagpa-wax. E balbon po talaga ako. So ‘yung sa dibdib, kili-kili, talagang dumugo kahit sa likod ko braso. Naging plano ko na din talaga noong una na lahat na ipa-ano (wax) para-in character na talaga sana. Pero noong naramdaman ko na ang sakit parang ayaw ko na,” masayang kuwento ng aktor.

Aminado ang aktor na hindi rin naging madali sa kanya na mag-adjust sa karakter dahil sa mabusising proseso ng pag-aayos dito.

“Yung suot ko, sobrang sikip. Talagang noong first day ko ang hirap mag-adjust. Ang make-up, 2 hours pala, tapos ang suot mo ang sikip lahat naka-ipit, hindi ka maka-upo. Tapos ‘yung pakiramdam mo para kang sasabog. Tapos pag-break parang lima-limang tao ang kakalikot sa’yo,” aniya.

Naging mahirap man daw ang mga proseso, hindi naman daw nawalan ng suporta sa kanya si Paolo Ballesteros.

“Of course, thankful ako kay Paolo (Ballesteros) from Day 1, ‘yung suporta niya sa social media, sobra sobra. Sa set, very warm siya sa akin, para maging komporatble ako, since ako ang bago talaga dito,” sabi pa niya.

Aniya, hindi rin nagkulang si Paolo sa pagbibigay ng beauty tips sa kanya. 

“Ang first tip niya sa akin sa kuko. Kasi noong una nahihiya pa sa akin ang mga make-up artist. Sabi niya sa ‘kin, ‘Walang ibang effective na pandikit sa kuko kundi Mighty Bond.’ Habang sinasabi niya sa akin nagkakabit na siya sa kuko niya,” pahayag pa ng aktor.

Sa darating na Enero 23, mapapanood na sa mga sinehan ang “Born Beautiful” sa direksyon ni Perci Intalan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.