Mga aso, gagamitin na ring bantay kontra karneng kontaminado ng African swine fever

MAYNILA — Upang mas mapalakas ang pagbabantay sa posibilidad ng pagpasok sa bansa ng karneng baboy na kontaminado ng African swine fever, kukuha ang Department of Agriculture (DA) ng mga sniffing dogs o mga aso na sinasanay para agad na ma-detect ito.

Ayon sa Bureau of Animal Industry, ipoposte ang mga aso sa mga paliparan at sa lahat ng port of entry sa bansa.

Dahil dito, nagimbita na ang DA ng mga kumpanyang nagbibigay serbisyo ng mga sniffing dogs.

Una nang naghigpit ang DA sa pagpasok sa bansa ng mga karneng baboy mula sa mga bansang nagkaroon na ng kaso ng African swine fever kabilang ang China, Hungary, Belgium, Latvia, Poland,Romania, Russia, Ukraine, Bulgaria, Czech Republic, Moldova, South Africa, at Zambia.

– ulat ni Jefrey Hernaez, ABS-CBN News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.