Mga kaibigan, fans dumalo sa libing ni Chokoleit

Inihatid ngayong Linggo sa kaniyang huling hantungan ang mga labi ng komedyanteng si Chokoleit.

Alas-2 ng hapon nang magkaroon ng misa sa Davao Memorial Park na dinaluhan ng mga mahal sa buhay, kaibigan at mga tagahanga ni Chokoleit o Jonathan Aguilar Garcia.

Matapos ang misa ay isinagawa ang cremation.

Nagpapasalamat ang pamilya ni Chokoleit sa lahat ng pagmamahal at suporta.

Pinasalamatan din ni Gerald Tabanag, kapatid ni Chokoleit, ang mga kaibigan ng komedyante na sina Vice Ganda, Pooh, K Brosas at Pokwang.

“It’s beyond words, I really appreciate it,” sabi ni Tabanag. 

Pumanaw si Chokoleit sa edad na 48 noong nakaraang linggo matapos atakihin sa puso makaraang magtanghal sa Abra. — May ulat ni Berchan Angchay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.