Mga pananim sa GenSan, apektado ng matinding init

Apektado na ng mainit na panahon ang ilang gulayan sa General
Santos City.

Ang ektaryang taniman ng labuyo na binabantayan ni Boy Dela
Cruz, tuyo na ang ilan sa mga ito kaya napilitan silang anihin
na ang mga labuyo.

Bukod pa rito, apektado rin ang tig-kakalahating ektaryang
taniman ng kamatis at ampalaya.

Ayon kay Dela Cruz, kinakabahan na sila na magtuloy-tuloy ang
matinding init ng panahon.

Sa ngayon daw, nakakatulong lang sa kanila ang patubig ng
National Irrigation Administration.

Ngunit kung magpapatupad umano ng water closure ang ahensiya,
mapipilitan daw silang gamitin ang kanilang water pump.

Paliwanag naman ng NIA, ang nararansang matinding init ng
panahon sa GenSan ay dulot ng umiiral pa rin ngayon sa bansa na
easterlies. 

Ngayong araw, pumalo sa 35.5 degrees Celsius ang pinakamainit
na temperaturang naitala sa GenSan.

Katumbas ito sa 40 degrees Celsius na heat index o init na
nararamadaman ng katawan ng tao.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical
Services Administration, hindi pa sila nagdedeklara ng dry
season dahil may inaasahan pa silang amihan pero nakatada raw
ang pagsisimula ng tag-init ngayong Marso.

Dagdag ng PAGASA, magtatagal ang tag-init ng higit isang buwan
kaya lubhang apektado ang mga magsasaka.

Handa naman ang City Agriculture’s Office ng GenSan sa anumang
banta ng posibleng pagkakaroon ng dry spell. – ulat ni
Giesaril Chai Tabunaway, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.