Muling binuksan na sunflower maze sa Pangasinan, dinarayo

File
Photo 

Dinarayo ng mga turista ang muling pagbubukas ng sunflower maze
sa Tayug Ecopark sa Pangasinan.

Hindi mapigilang mag-selfie ng mga bumisita sa lugar kung saan
aabot sa 4,000 iba’t ibang uri ng sunflower ang nakatanim.

Para rin mas tumagal ang tourist attraction, dinisenyo ang maze
para hindi sabay-sabay na mamukadkad ang mga bulaklak.

Noong nakaraang taon kasi, pansamantalang isinara ang sunflower
maze dahil nalanta ang ilang bulaklak doon.

Bukas ang sunflower maze mula alas-7 ng umaga hanggang alas-7
ng gabi.

Mananatiling bukas naman ang atraksiyon hanggang Mayo 31.

Good news din dahil may 40 porsiyentong diskuwento ang entrance
fee sa sunflower maze hanggang Marso 16. — Ulat
ni Elaine Fulgencio, ABS-CBN News

Abangan ang kabuuang detalye nitong report mamaya
sa Bandila sa Channel 2.

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.