Nasa P15-M halaga ng ‘shabu’, nasabat sa isang Tsino sa Maynila

Nasabat ang nasa P15 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula
sa isang Tsino sa Maynila Sabado ng gabi.

Arestado ang suspek na isang alyas Jayson na sinasabing 5 taon
nang nakatira sa Pilipinas at galing ng Fujian, China ang
suspek.

Ayon kay PDEA NCR director Ismael Fajardo, nakuha sa suspek ang
3 pack ng hinihinalang shabu na aabot sa 3 kilo ang bigat at
kinumpiska rin ang sasakyan nito.

Ayon kay Fajardo, nang maaresto nila ang suspek ay 1 kilo
lamang ang kanilang transaksyon, ngunit nang halughugin ang
kotse nito ay nakuha pa ang 2 kilo ng hinihinalang shabu na
posibleng ibabagsak din sa iba pang customer.

Dadalhin sa PDEA headquarters ang suspek upang isailalim sa
imbestigasyon at malaman kung anong grupo ang kinasasangkutan
nito.

Hindi pa masabi ni Fajardo kung konektado ito sa Dragon Wu drug
syndicate na nasa likod ng mga shabu laboratory at warehouse na
nadiskubre sa Malabon, Batangas at Marikina.

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.