Nurse, tumulong sa pagpapaanak sa kapwa Pinoy sa loob ng eroplano

Pinuri ng netizens ang isang nurse mula Bacolod City matapos niyang ibahagi ang kuwento ng kaniyang pagtulong sa isang Pilipinang nanganak sa loob ng eroplano.

Kuwento ng nurse na si Francis Dominic Mendoza, sakay sila ng eroplano Martes ng madaling araw nang nangyari ang insidente.

Mula Doha, Qatar ang eroplano at pauwi sila ng Pilipinas. Sa bandang Thailand nag-labor ang Pilipinang kaniyang tinulungan.

Dagdag pa ni Mendoza, tinulungan niya ang mga Pilipinong cabin crew para ligtas na maisilang ang sanggol. Ginamit nila ang first aid kit sa eroplano at iba pang improvised na gamit.

Nag-emergency landing ang eroplano sa Bangkok para mabigyan ng medical attention ang ina at ang sanggol.

Ani Mendoza, bahagi ng kaniyang responsibilidad ang pagtulong sa mga nangangailangan kahit sa labas ng ospital.

Nagtatrabaho bilang nurse si Mendoza sa Ireland.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.