P140,000 halaga ng ‘shabu’ nasamsam sa dating preso sa Davao City

Balik-kulungan ang isang lalaki sa Davao City matapos mahuli sa buy-bust operation, kung saan nasamsam din ang nasa 140,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Nahuli sa operasyong ikinasa sa isang inn nitong madaling araw ng Lunes si alyas “Botchok,” na dating naaresto dahil din sa ilegal na droga, at ang kaniyang parokyanong si alyas “Allan.”

Nasa 20 sachet ng hinihinalang shabu ang narekober sa mga suspek.

Galing Maguindanao ang suplay ng droga, ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad.

Galing Kidapawan City si “Botchok” at nagpunta ng Davao para sumailalim sa rehabilitation program pero nabatid umano na patuloy ang paggamit niya ng ilegal na droga.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

— Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.