P2 milyong halaga ng ‘marijuana’ sinunog sa Ilocos Sur

Natunton ang 6 marijuana plantation sa Sugpon, Ilocos Sur ng pinagsamang puwersa ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency. Retrato mula sa Sugpon police

Nasa P2 milyong halaga ng mga tanim na marijuana ang sinunog sa bayan ng Sugpon, Ilocos Sur, sabi ngayong Linggo ng mga awtoridad.

Sa mga operasyong ikinasa ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency noong Setyembre 19 at 20, natunton ang 6 na marijuana plantation sa kabundukan ng Sitio Nagawa sa Barangay Caoayan, Sugpon.

Nasa 400 fully-grown marijuana plants ang natuklasan, binunot at sinunog ng mga awtoridad sa mga operasyon.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng plantasyon.

— Ulat ni Grace Alba, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.