P3-M halaga ng ‘shabu’, nasamsam sa Bacolod

BACOLOD CITY, Negros Occidental – Nasamsam ng mga pulis ang
nasa P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust
operation sa Bacolod City Miyerkoles ng gabi.

Nahuli rin ang 2 babae na umano’y subject ng operasyon.

Ikinasa ng Regional Drug Enforcement Unit at Bacolod City
Police Office ang buy-bust sa loob ng Panaad Park and Stadium.

Giit ng mga suspek, hindi sa kanila ang mga nakumpiskang droga.
Nagtitinda lang umano sila ng ukay-ukay.

Mahaharap ang 2 babae sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. – ulat ni
Mark Salanga, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.