P6.8 milyong halaga ng droga nasamsam sa 2 babae sa Marawi

Kuha ng Philippine Drug Enforcement Agency – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

MARAWI – Kalaboso ang 2 babae, kabilang ang isang buntis na teacher, matapos mahulihan ng P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa lungsod nitong Huwebes ng hapon.

Nakuha sa kanila ang 10 malalaking pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na aabot sa 1 kilo.

Hindi umano kasali sa target list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawa ngunit nakatanggap sila ng impormasyon na nagbebenta ang mga ito.

“Di nakasali sa listahan natin pero may mga information na bagong nagbebenta ngayon kasi sila ‘yung hindi natin aakalain na nagbebenta o nagdadala ng droga sa area natin,” ani PDEA- Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) deputy regional director Marlon Santos.

Todo tanggi ang dalawa na may kinalaman sila sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.