Paano maiiwasan ang sexual performance anxiety?

Editor’s Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi
pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong
paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para
magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

Mayroong mga tao na kahit na gusto ang kanilang kasama sa
pakikipagtalik ay hindi maiwasang mag-isip kung matutugunan ba
nila ang pangangailangang seksuwal ng kanilang kapareha.

Ang problemang ganito ay tinatawag na sexual performance
anxiety.

Sa programang “Private Nights” ng DZMM nitong Linggo (Agosto
19, 2018), ipinaliwanag ng isang psychologist ang nasabing
suliranin at kung paano ito maiibsan.

Ayon kay Eppy Halili Gochangco, karamihan ng nakararanas ng
sexual performance anxiety ay kalalakihan.

“Lahat ng problema sa tao, laging kung ano ang iniisip nila
eh…When you do something, may iniisip ka. Ganoon din sa
sexual performance anxiety,” ani Gochangco.

“Minsan iniisip ‘Gusto ba ako ng babae,’ ‘Attractive ba ako,’
‘Yung penis size ko ba gusto ng babae’,” dagdag niya. 

Ang mga lalaking may nasabing problema ay nahihirapang
magkaroon ng erection tuwing makikipagtalik dahil sa labis na
pag-aalala at pagkakaroon ng “guilt feelings.”

Upang maiwasan ito, payo ng eksperto na kailangang mag-usap at
siguraduhin ng mga partido na handa sila bago magtalik.

“I think the solution is communication, dapat pag-usapan nila
kung kailan ready silang pareho,” ani Gochangco.

“Kapag at the same time parehong excited ang mga tao, it will
happen no matter what. Pero kung only one ang ready, ‘yon ang
kailangan pag-usapan,” dagdag niya.

Payo pa ng eksperto, bukod sa sexual performance anxiety ay
dapat din na tingnan ang hirap sa pag-erect ng kalalakihan sa
iba pang aspetong pangkalusugan.

“It might not be anymore a matter of sexual performance anxiety
but because hindi talaga siya nagkakaroon ng erection,” ani
Gochangco.

“It can also be physical or emotional…heart problems,
diabetes, blood pressure problems, dapat talaga pumunta sila sa
doctor nila to check,” saad niya.

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.