Pagbaha nararanasan sa ilang bahagi ng EDSA; PAGASA, naglabas ng thunderstorm advisory

MAYNILA — Nakaranas ng pagbaha sa ilang bahagi ng EDSA Linggo ng gabi dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan.

Bahagyang humina na ang nararanasang pag-ulan sa Quezon City ngunit dahil sa biglaan buhos ng ulan na tumagal ng ilang minuto, ilang kalsada na ang binaha.

Sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority, may gutter deep na pagbaha sa bahagi ng EDSA Tramo southbound ngunit nadaraanan pa naman ito ng lahat ng uri ng sasakyan.

May gutter deep din na pagbaha sa Aurora Tunnel northbound at apektado ang isang linya. 

Samantala, sa ipinalabas na thunderstorm advisory ng PAGASA kaninang 5:15, malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat din ang mararanasan sa susunod na isa hanggang dalawang oras sa ilang bahagi ng Apayao, Cagayan, Ilocos Norte, Isabela, Abra, Ilocos Norte, Kalinga, at Mountain Province.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ingat sa posibilidad ng flashfloods at landslides.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.