Pamilya ni Eddie Garcia kumakapit sa milagro

Umaasa pa rin ang longtime partner ng veteran actor na si Eddie Garcia na bubuti ang lagay nito at malalagpasan ang comatose na kondisyon matapos ang malagim na aksidenteng kinasangkutan nito. 

Sa eksklusibong panayam kay Lillibeth Romero nitong Huwebes, sinabi niyang umaaasa pa rin sila sa milagro lalo’t malakas daw ang puso ni Garcia, 90. 

“I am still hoping for a miracle. I will hang on until he’s there. His heart is strong, maganda rin ang kaniyang brain and kidney function,” ani Romero, na lagpas 3 dekada nang partner ni Garcia. 

Nagtamo ng severe cervical fracture si Garcia matapos bumagsak sa taping ng bago niyang TV show noong Sabado sa Maynila.

Taliwas sa isang lumabas na ulat, walang intensiyon ang mga mahal sa buhay ni Garcia na ipatigil ang paggamot dito.

Nilinaw ni Romero na wala pa siyang pinipirmahang “do not resuscitate” authorization sa ospital sakaling mag-deteriorate pa ang kondisyon ni Garcia. 

Samantala, humingi rin ng dasal ang anak-anakan ni Garcia na si 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero. Si Romero ay anak ng partner ni Garcia na si Lillibeth. 

“We need prayers not just for Tito Eddie but for my mom as well. He’s still alive but very, very critical. Ipagdasal niyo po, please,” sabi ng kongresista.

—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.