Parada ng mga lampara, dinagsa sa Bacolod City

BACOLOD CITY – Dinagsa ng mga manunuod ang parada ng mga
Christmas lanterns sa lungsod na ito Linggo.

Sinabayan ng Christmas lighting ceremony sa public plaza ang
makulay na okasyon.

Lalong nagliwanag ang Lacson Street nang pumarada ang makukulay
na lanterns para sa Christmas Parade of Lights ng STI-West
Negros University sa Bacolod City.

Tema ng taunang okasyon ang pagkampanya para mapangalagaan ang
paligid.

Karamihan sa mga lanterns at floats na pumarada ay may disenyo
ng marine life gaya ng mga isda, seahorse, sea turtle at
alimasag.

Kasama sa parada ang mga batang nakasuot ng superhero at
cartoon character costume.

Dagdag sa makulay na kasiyahan ang streetdancing competition.

Sinabayan pa ito ng Christmas lighting ceremony ng lungsod sa
public plaza.

Inaasahan na maging bahagi ng atraksyon ng lungsod ang parade
of lights tuwing Pasko.

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.