Pia Wurtzbach, may tip sa 2018 batch ng Miss Universe

Pia Wurtzbach. Kiko Escuadro, ABS-CBN News

All smiles si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa naging
special appearance niya sa fashion show ng Pinoy designer na si
Oliver Tolentino sa Bangkok, Thailand.

Isa si Pia sa inabangan ng Pinoy at Thai pageant fans nang
rumampa ito sa 8th Thai Silk Road to The World 2018.

Matatandaan na si Oliver din ang isa sa mga tumulong kay Pia
noong lumaban ito sa Miss Universe 2015 preliminary
competition.

“Nakaka-proud kasi talagang world-renowned ang isang Oliver
Tolentino. And I’m so grateful that he helped me during my time
in Miss Universe. If you still remember, he’s the one who
created my red gown in the preliminary competition. So ito ang
parang pasasalamat ko sa kanya,” bungad ni Pia sa panayam ng
ABS-CBN News.

Labis na pasasalamat din ang ipinaabot ng Miss Universe 2015 sa
Filipino community sa Thailand na mainit ang ibinigay na
suporta sa tagumpay ni Oliver.

“Maraming salamat sa lahat ng kababayan natin na nandito
ngayon, pati ang mga kaibigan natin na Thai na sumuporta at
nanood sa mga gawa ni Oliver Tolentino,” aniya.

At dahil panahon ngayon ng Miss Universe, nahingan din ng tip
si Pia para sa 2018 batch ng Miss Universe candidates na
kasalukyan ding nasa Thailand.

Sinabihan niya ang mga kandidata na “namnamin” ang bawat
pagkakataon ng kompetisyon.

“It brings so much memories seeing all your photos. Take lots
of pictures and get everybody’s number so you can keep in
touch,” aniya. 

“Namnamin niyong lahat, make the most of your time at Miss
Universe.”

Kung tatanungin naman ang chances ni Catriona para sa ikaapat
na korona sagot ni Pia: “Kayang-kaya niya ‘yan. Talagang
inaabangan ng lahat — sobrang ganda, sobrang talino, at
sobrang galing, and I’m also excited for her.”

Sa darating na Disyembre 17 mapapanood ang exclusive telecast
ng Miss Universe 2018 sa ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.