Presyo ng bilihin tataas pa, ayon sa BSP

MAYNILA – Mas tataas pa ang presyo ng mga bilihin bago matapos
ang buwan ng Setyembre, batay sa pagtataya ng Bangko Sentral ng
Pilipinas (BSP). 

Ayon kay BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo, posible pang
makaapekto ang ulat mula sa economic managers ukol sa
pananalasa ng Bagyong Ompong. 

Sinalanta ng bagyo ang mga taniman sa hilagang Luzon. 

Giit ng opisyal, hindi naman unang pagkakataon na bumilis ang
inflation. Aniya, noong 1980s, umabot pa sa 40 percent ang
inflation rate ng bansa.

Siniguro ng opisyal na may mga ginagawa ang pamahalaan upang
mapagaan ang epekto nito.

Kabilang dito ang binuong composite team para i-monitor ang
presyo at kalidad ng bigas at pagpapatupad ng simplified
importation rules. 

Pagsapit ng 2019 hanggang 2020, posibleng bumaba na ang
inflation sa target na 2 hanggang 4 percent.

Noong nakaraang buwan, pumalo sa 6.4 percent ang inflation rate
habang nakaapekto din sa presyo ng pagkain ang pananalasa ng
habagat sa mga pananim. 

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.